Thursday, June 19, 2014

top 5 na tao na kasakay sa jeep


Picture ng jeep ni erap pogi ng driver former President Mayor na ngayon ng Manila Erap Estrada.


Simula pa ng highschool ako hangang nag ka trabaho ako avid fan na ako ng pagsakay sa jeep.

8.50 na ang pamasahe dati 4 pesos lang nung natuto akong maglakwatsa papuntang tutuban.

Minsan goodvibes minsan naman badtrip, alam mo yan kasi katulad din kitang commuter sa pinas.

Etong post na ito ay based on my experience, top 5 na tao  nakakasakay sa loob ng jeep:

#5
Long hair girls

Sila yung MGA GIRLS na mahahaba ang hair, yung iba kulot, rebonded, o buhagwag ang buhok.

Madalas sila naka upo sa bintana, karamihan sa kanila feel na feel ang hangin sa labas.  Pag hindi trapik surebol yan sapo sa muka mo ang buhok nilang long hair, lasang lasa mo din ang shampoo nilang sunsilk at higit sa lahat ang buhok nila ay sumusuksuk na sa ilong mo kasama ng dandruff nila.

 Kasama din ako jan longhair din kasi ko di ko tinatannggi na buhok natin kumakaway sa jeep.

#4
So loud friends

Sila yung mga studyante , magfrefrends na super sa pagka hyper, super happy sila, maingay at tawa ng tawa.

Sila yung mga batang masipag mag abot ng bayad sa driver.
Infairness sa kanila nakaka goodvibes ng araw kasi energetic sila.

#3
Bf gf couples

Sila yung mga taong super sweet sa loob ng jeep, may pogi at maganda, maganda-pwede na bf, at bf na may gf nevermind.

Base on my experience merung boyfriend pasikat super abot ng bayad sa driver, meron ding bingi bf akap nalang kay gf para di nalang mag abot ng bayad sa jeep.

Base on my experience highschool ako nuon 3rd year ata nasa jeep kami ng higschool friends ko kasama nya yung bf nya. Papunta kami ng pajo, may bumabang mga group of friends din mixed batang hamog na di ko maintindahan hiphop ata , may yung ganun sa caloocan mga tbs o tbt tawag.

Anyways pagkababa nung isang guy sabay sapak dun sa bf ng friend ko nganga lang kami kasi nasapak sya sa jeep. 0-0


#2
Mga tripper

Sila yung mga pasaherong libre sakay mga nag 1,2,3 sa jeep.
Base on my experience may tropa akong ganyan, nag bibilyar kasi kami sa jaca sa may recto, madami kami mga 15 up na frends, ubusang pera kasi dun tambay ka dun dapat may pambilyar ka at pang ambag pambili ng isang barrel na beer.
Anyways ubos na pera nya simple lang wala na syang pambayad ng jeep galing recto hangang c3 1,2,3 go na siya.

#1
Mga dedmackers

Sila yung mga taong dedma magabot sa bayad.
Trip ko kasi malapit sa driver , type ko kasi maamuy yung anghit ni manong hahaha, lagi kasi ako dun ewan ko kung bakit!

Madami na akong nasakyang jeep, jeep na may preno na may tali pag hinila mo yun tutunog di ko lang sure kung konektado yun sa preno, jeep na malakas ang soundtrip ng driver

Ako: manong bayad po CTbank po.
Manong : san tong bente???
Ako: ctbank po!!!

Party party kasi sa jeep eh noh madami nyan sa eastwood byaheng cubao via rosario.

Jeep na may aircon sa makati, mabilis lang naman ako nag work dun minsan nag tataxi ako kasi tinatamad talaga ako mag lakad papuntang gt tower.

Balik tayo sa mga dedmackers , nakaka bwisit sila sa jeep kaya naman nila iabot yung bayad kaso dami nila curricular activities.

May nag cellphone (ccp), natutulog at naka tunganga lang. Di bali siguro tamad lang sila ng oras na yun.

Yan ang top 5 ko nakasakay sa jeep lagi ko sila nakakasakay, kulang pa nga yan , kasi me mga cute din sa jeep, sila yung cute matulog, mag abot ng bayad at cute lang kahit sa dulo ng jeep.

Check crue totoo yan. Bye for now!





No comments:

Post a Comment